MindanaOne - Lanao del Norte delegates |
Pebrero 6, 2016
Matagumpay na naitatag ang isang pampulitikang kilusan ng mga sektor sa Mindanao.
Dinaluhan ito ng mga representante mula sa iba't-ibang sektor ng mamamayang Bangsamoro, Lumad at Migrante ng Mindanao.
Ang
MindanaOne ay isang pampolitikang organisasyon/koalisyon/alyansa ng mga
organisasyon at indibidwal mula sa mga komunidad ng tatlong Mamamayang Moro,
Lumad at Migrante ng Mindanao. Ito ay pagkakabuklod ng mga naisantabing seksyon
ng lipunan upang mas aktibong igiit ang kani-kanilang mga karapatan at isulong
ang kapakanan ng mga sector. Pormasyon ito upang iabante ang mga demokratikong
karapatan at kapakanan ng mga mamamayan at komunidad.
Sa gitna ng kasalukuyang pangingibabaw ng
elitista at kapitalistang kaisipan at sistema ay nais ng mga nasiantabing seksyon ng lipunang igiit ang kani-kanilang mga karapatan at kapakanan na nagkakaisa.
Naniniwala ang MindanaOne na:
Ka Rene Magtubo, unang nominee ng Partido Manggagawa |
Ang
Mindanao ay pinaninirahan ng tatlong Mamamayan (Bangsamoro, Lumad at Migrante
ng Mindanao) na may kani-kanilang mga karapatan sa Sariling Pagpapasya;
Ang
pundasyon ng isang demokratikong lipunan ang makatotohanang partisipasyon ng
mga komunidad at sector ng lipunan sa anumang usaping panlipunan;
Ang
tunay na Kaunlaran at Kapayapaan ay nakaugat sa pagsakatuparan sa mga
demokratikong karapatan ng bawat mamamayan;
Ang
Agrikultura at Kalikasan ay mga usaping hindi pwedeng ihiwalay sa anumang mga
panlipunang pagdedesisyon;
Ka Jun Gonzaga, ikalawang nominee ng Partido Manggagawa |
Na
magkaugnay ang mga usaping kinakaharap ng bawat sector at mamamayan at
nararapat lamang na magkaugnay din itong harapin at tugunan;
Mahalagang
lahukan ang larangang electoral upang maisulong ang mga usaping panlipunan na
maiibsan ang mga pasaning mayron ang mga mamamayan at sector at maiangat pa sa
mas Malaki at makabuluhang mga tagumpay;
Naihalal ang pambansang pamunuan ng kilusan at ang konseho nito.
Sa nasabing pagtitipon din pormal na idineklara ng MindanaOne ang pagsuporta nito sa Partido Manggagwa Partylist sa halalan nitong Mayo 9, 2016.
Dinaluhan din ng una at ikalawang nominees ng Partido Manggagawa Partylist sa katauhan nina Ka Rene Magtubo at Ka Jun Gonzaga.
MindanaOne - Maguindanao delegates |
MindanaOne - Agusan-Surigao delegates |
MindanaOne - Lanao del Sur delegates |
MindanaOne-North Cotabato delegates |
MindanaOne - Sultan Kudarat delegates |
MindanaOne - Iligan City delegates |
MindanaOne - Zamboanga-Misamis Occidental delegates |
MindanaOne - Visayas and Camiguin delegates |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento