Panawagan
ng MindanaOne sa Usaping Kalikasan nitong Halalang 2016
Noong
nakaraang Disyembre 2015, nagkasundo ang mga bansa na sagipin ang mundo laban
sa pagkawasak at pagkagunaw sa panahon ng Conference of Parties on Climate
Change (COP21) sa Paris, France.
Magandang
balita at pag-unlad ito sa pakikibakang pangkalikasan. Subalit, puno ito ng
maraming subalit!
Sa
ilalim ng kapitalistang paghahari, ang pagsagip sa mundo ay hindi upang
makatotohanang sagipin ang sangkatauhan kundi ang mas pakaingatan at patatagin
ang Imperyalista at Kapitalistang paghahari. Hindi upang sagipin ang mundo,
kundi sagipin ang kanilang paghahari – ang Kapitalismo.
Sa
kabilang banda ay tagumpay na din ito kahit papano para sa mga kilusang panlipunan
at mas hamon ang ating tuluyang papanagutin ang mga mayoriyang kontribyutor sa
carbon emission at pagpapahamak sa kalikasan.
Sa
kasunduan (COP21 Agrrement) ay binanggit ang karapatang pantao at karapatan ng
mga Katutubo subalit sa preambolo lamang at wala nang detalye pang kasunod.
Dagdag
pa ay ang hindi malinaw na sukatan kung hanggang kalian ang transisyon ng mga
bansa at interes na tuluyang itakwil na ang mga proyektong lason sa kalikasan.
Ang
COP21 na kasunduan ay kapanalunan ng mga mayayamang bansa, korporasyon at
sistemang kapitalismo sa kabuuhan.
Ang Pilipinas at
ang Kapitalistang Paghahari
Taas
noo at abot taenga ang ngiting ipinagmayabang ng pamahalaang Pilipinas sa
pamamagitan ng Pangulo nito na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ang
pagpirma, pagsang-ayon at pangunguna para sa katarungang pangklima at
pagpapatupad ng napagkasunduan.
Buhay
na ebidensya ang magkatunggaling pahayag at kilos ni NoyNoy Aquino III ukol sa
usaping kalikasan.
Matapos
ang kanyang pinuring pahayag sa kampanya para sa kalikasan ay pinasayaan nito
ang pagbubukas ng 300MW Coal-fired power plant sa Davao; inaproba ang hindi
bababa sa 45 na proyektong coal; hinayaan ang pagpapatuloy ng pagmimina sa
buong bansa; at marami pa.
Ang
pamumuno ng Koalisyong Pamahalaan sa pangunguna ng Liberal Party ni NoyNoy
Aquino III ay hayagang pumapabor sa kapitalistang interes. Sa gitna ng mga
matitinding kalamidad na dinanas ng mga mamamayan mula taong 2010 hanggang sa
kasalukuyan ay walang aksyong makabuluhan at kongkreto ang pamahalaan upang
harapin at paghandaan ang mga banta ng kalikasan maliban sa reaksyonaryong
tugon sa pamamagitan na pagtaas sa pundo ng mga paghahanda sa pamumuno ng
pambansa at local na mekanismo laban sa kalamidad. Walang aksyon upang itigil
at kanselahin ang mga operasyon ng malawakang pagmimina at proyektong coal.
Sikat
dito ang tugon ni NoyNoy Aquino III sa panawagang pagsusulong ng Renewable
Energy – “Paano kung walang araw? Paano kung walang hangin?”
Ang
departamentong pangkalikasan at departamentong pang.enerhiya ay tuloy pa rin
sap ag-aproba sa mga aplikasyon ng mga pamumuhunan at operasyong mina, coal,
plantasyon.
Ang
karanasan ng mga mamamayan sa Agusan, Surigao, Zamboanga, Misamis Occidental,
Antique, Tawi-Tawi, Lanao del Norte, Iligan City, Misamis Oriental, Bataan,
Mindoro, Palawan, Cordillera, Compostela Valley at marami pa laban sa mina,
plantasyon, coal projects – ay maliwanag na kakampi ng mga kapitalista ang
pamahalaan. Maaring hindi lang ang NoyNoy Aquino III na pamunuan ang may dulot
nito dahil polisiya na ito ng pamahalaan noon pa man, subalit walang hakbang
ang pamunuan ni Aquino III upang tuldukan ito at patotohanan ang yabang nitong
“Tuwid na Daan at Ingkulsibong Kaunlaran”.
At
patuloy na gamit ng pamahalaang pambansa at local ang mabangis nitong armas
(military, polisya at batas) upang i-nyutraisa at patahimikin ang mga
sumasalungat sa balangkas at kagustuhan ng mga kapitalista at pamahalaan.
Bugaw na NoyNoy
Aquino administration
Tagapagpatupad
pa rin ng neo-liberal na balangkas ang pamahalaang Koalisyon ni Aquino
III.
Inilalayo
ng pamahalaang ito sa mata ng taumbayan ang katotohanang ito sa pammagitan ng panunuhol
sa pamamagitan ng bilyones na Pantawid ng Pamilyang Pilipino (4Ps) at
Bottoms-Up Budgeting (BUB). At kahit ang utang na National Greening Program ay
pagsang-ayon lamang sa interes ng mga Korporasyon, dayuhang bansa at bangko
hindi pa upang sagipin ang sangnilikha.
Ang
pangkaunlarang balangkas sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at
Moro Islamic Liberation Front ay maganda kung basahin ang teksto – “Sustainable
Development” ay katulad din ng mga pahayag ni Aquino at pamahalaan.
Sa
kabilang banda, habang abala ang lahat sa debate kung suportahan nang buo o marapat
na igiit ang iba pang lehitimong interes sa batas Bangsamoro ay puspusan at
malaya nang pumapasok sa mga komunidad ang mga pamumuhunan para sa plantasyon,
pagmimina hanggang sa kadulu-duluhang lupaing ninuno ng mga Katutubo.
Ipinarating at iginiit ang pagsalungat ng mga Katutubo at kilusang panlipunan
sa kahit saang mga lehitimong mekanismo ng pamahalaan at usapang pangkapayapaan
ngunit mas lalo pang lumalakas ang loob ng mga politico at negosyanteng interes
– kilalang alyado at kapanalig ng pamahalaang koalisyon ni Aquino III tulad na
lang halimbawa sa Tawi-Tawi at Maguindanao (Autonomous Region for Muslim
Mindanao).
Kalikasan Naman
Ilang
hagupit ng kalamidad na rin ang naranasan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
patindi na nang patindi ang epekto ng mga ito – mula sa bagyo, baha, mahabang
tagtuyot, kakulangan ng supply sa pagkain at tubig, landslides, lindol hanggang
sa pagputok ng bulkan.
Ang
pinakahuling bagyong Yolanda (taong 2013) na isang buwan lang ang pagitan ng
isang malakas na lindol sa gitnang bahagi ng Pilipinas ay sadyang di sumagi man
lang sa isipan ng mga siyentista na may ganoon katinding epekto. At kombinsido
ang lahat na ang mga ito ay epekto ng patindi at patinding pagkawasak ng
kalikasan at mundo.
Malawak
sa mga maralita, manggagawa, kababaehan, matatanda, katutubo at karaniwang
mamayan ang direktang tinamaan nang mga nasabing trahedya na libu-libo pa rin
ang hindi natagpuang nilamon ng lupa, putik at baha. At ang tanging tugon uli
ng pamahalaan ay ang magturuan at sisihin ang bagyo at panahon sa dulot ng mga
trahedya.
Kalikasan:
Pampolitika at Elektoral na Adyenda
Ang
usaping kalikasan ay mahalaga sa sangkatauhan. Mas buhay nating nakikita ang
relasyon ng kalikasan sa tao sa buhay ng mga Katutubo, magsasaka at
mangingisda.
Para
sa mga Katutubo, ang kalikasan ay buhay. Sa mga magsasaka at mangingisda naman
ay ganoon din. Sa buong sangkatauhan, maliwanag na ito ay buhay din – ang
tubig, hangin, pagkain, lupa, hayop, bulaklak at iba pa.
Sa
araw-araw nating paggalaw sa mundong ibabaw, binubuhay tayo ng kalikasan. Hindi
natin pwedeng sabihin na walang kaugnayan ang tao sa kalikasan.
Nitong
panahon ng pambansa at local na halalan sa Pilipinas, mahalagang adyendang
isusulong ng mga mamamayan ang Kalikasan.
Ang
mga mamamayan sa Iligan City, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis
Occidental at Oriental at kahit iilang ang mga taga-Zamboanga del Sur ay inuugnay
ng Paguil at Iligan Bays. Parehong nanganganib ang dalawang karagatang ito sa
pagtatayo ng 300MW sa Ozamis City, 540MW sa Kauswagan, Lanao del Norte at 20MW
sa Iligan City. Nauna nang nawalan ng lupang tinitirhan ang hindi bababa sa 300
na pamilya sa Kauswagan, LDN at hinati ang komunidad sa pabor at
kontra-coal-fired power plant. Nalagay sa panganib ang matagal nang panahong isinusulong
at pinangangalagaan ng mga maliliit na mangingisdang “fish sanctuaries”.
Ang
mga mamamayan sa Agusan, Surigao, Compostela Valley at Davao Region ay patuloy
na ginugulo at winawasak ng mga proyektong mina – paglikas, pamamaslang at
kahirapan.
Ang
mga mamamayang Moro at Lumad sa Maguindanao, North Cotabato, Bukidnon at
Sarangani na mga probinsya ay araw-araw na hinahamon ng kapitalistang interes
kakuntsaba ang mga pulitiko sa lokalidad.
Iilan
lamang ang mga kongkretong karanasang ito sa mga buhay na hamon laban sa
pambubugaw ng pamahalaan sa mga kayamanang mayron ang ating mga komunidad.
Nitong
panahon ng halalan, mahalagang iangat ang debate sa usaping kalikasan at
kaugnayan nito sa buhay ng bawat mamamayan at komunidad. Gawin nating adyenda
sa pakikipag-usap at pagsuporta ng mga ihahalal sa local at pambansang posisyon
at bilang mga organisadong pwersa, ito ang ating lakas. Dahil unang-una, buhay
natin at ng ating mga salinlahi ang nakasalalay dito.
Sa
prosesong ito (eleksyon), hindi tayo simpleng taga-boto, taga-suporta at
tagasunod lang kundi mahalaga ang ating pasya at mga kongkretong hakbang.
Maliban
sa paggamit sa halalan upang ihayag ang kapitalistang kabulukan sa pagtrato sa
kalikasan ay pagkakataon din nating palakasin ang diskurso lampas sa panwagan
lang para sa:
- Pagsagip sa
Lupaing Ninuno, Lupaing Agrikultura, Karagatan at Mamamayan laban sa
Marumi at Nakakasirang Proyektong Pangkaunlaran tulad ng Coal, Mina at
Plantasyon;
- Pag-abante sa
Karapatan sa mga Batayang Serbisyo para sa Karaniwang Mamamayan;
- Isulong ang
Karapatan at Kapakanan ng mga Biktima ng Pangklimang mga trahedya;
- Pagsulong ng
mga Panukala para sa Maka-kalikasan at Sustenableng Programang
Pang-ekonomiya;
- Pagtakwil sa
Komersyalistang Ekonomiya sa ating mga Komunidad;
- Pagpapalakas
sa ating Kilusang Katarungang Pangklima at mga Kilusang Masa;
- Gawing
integral sa ating mga pakikibaka sa lahat ng panahon at pagkakataon ang
pakikibakang pangkalikasan lampas sa nakatali sa pundong mga programa.
Boto ay Karapatan!
Kalikasan ay Karapatan! Boto para sa Kalikasan!
MindanaOne
Pebrero
28, 2016
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento