Linggo, Marso 20, 2016

MindanaOne Songs for Partido Manggagawa Partylist

WATCH and Listen to the songs for the win.




March for Dignified Life and Work – MindanaOne, PM Demand

Watch video here: March for Dignified Life and Work - MindanaOne, Partido Manggagawa

February 9, 2016. ILIGAN CITY—A party-list candidate, Partidong Manggagawa (PM), supported by the presence of over a hundred people in front of the Iligan Post Office, celebrated the official opening of the national campaign declared by the Commission on Election (COMELEC). Along with the other candidates on motorcades who also came across the city presenting various styles on catching the attention of the surrounding audiences, the group also staged March for Dignified Life and Work around the city.

Convened to highlight the needs inclusive to the grassroots and different sectors, the MindanaOne, as direct alliance of the party-list, reinforced on introducing the PM’s nominees including Rene Magtubo, Jun Gonzaga, Gerry Rivera, Atty. Bayani Diwa and Judy Chan-Miranda. All of which carry four main platforms that reflect the party-list’s definition: low cost, enough wage, regular jobs, and appropriate public service, where these problems are still circulating the system affecting not only the tri-people of Mindanao, but the Filipinos as a whole.

According to Mark Mandar, MindanaOne National Vice Chair for Mindanao Migrants’ Descendants – “the electoral process is an integral part of our overall struggle for the realization of peoples’ democratic rights and welfare. We in MindanaOne believe that this can be a venue to expose the rotten and exploitative political and economic system we have, oppose anti-people policies and programs and propose and mainstream our alternatives and proposals. So, we started the campaign for Partido Manggagawa Party List to win and at the same time for the Peoples’ Agenda.”

“How ironic to see that there had been lots of opportunities we went through elections, but as if there were no societal changes can be seen. That cycle must be ended. Thus, an alternative way of participating in the decision-making has been resolved—that is to bring the voice of these different sectors in the Congress through Partido Manggagawa (PM), “ said Jun Gonzaga, 2nd nominee of PM.

“We are glad to know that the MindanaOne supports us even through street parliamentary, that they saw our connection on the entities we wanted to address in the Congress too,” Jane Bernardo, PM-Iligan City.

MindanaOne, a mass tri-people political movement in Mindanao have announced support to Partido Manggagawa PartyList in the 2016 National elections. (Feb 10, 2016. MindanaOne)

MindanaOne discussed Election, Partylist System and Women's Political Participation

A discussion on the Grassroots Women's Electoral and Political Participation took place on March 19, 2016, 5:00-6:00pm at DXMY RMN Cotabato. 

Members of Tri-people Youth for Change and MindanaOne-Cotabato City discussed about the importance of women's political participation during election. The agenda of women within MindanaOne was also a sub topic. 


More importantly, the party list system was reviewed in the program and how it can be a mechanism to advance women's agenda and of other marginalized sector.

The program is part of Boses ng Kababaihan radio program of the Mindanao Tri-people Women Resource Center, Inc.
-------
MindanaOne supports Partido Manggawa Partylist

MindanaOne-Lanao holds caravan and political rally for Partido Manggagawa Partylist


About 500 MindanaOne members in Lanao del Norte launched a caravan and political rally on March 18, 2016 to support Partido Manggagawa (PM) Party List in its bid for congress this coming May 2016 election. 

The caravan from district 1 and 2 converged in front of the Mindanao Civic Center in Tubod. The group proceeded to Peoples Plaza in Tubod for a political rally where representatives from different sectors (farmers, fisherfolks, women and youth) speak out their support for PM.

The supporters were joined by the PM second nominee, Mr. Rufino Gonzaga-a former president of Iligan Doctors Employee’s Union and a transport organizer. Currently, he is the president of homeowners association and a chairperson of both urban poor alliance in Iligan City and a multi-sectoral organization in Iligan and Lanao. 

In his speech, he thanks the overwhelming support of MindanaOne-Lanao for PM. According to him, this support furthers his commitment to work harder to represent their interest in the congress if PM wins. 

Walden Bello, an independent senatorial candidate, sent his message of support for MindanaOne’s campaign which was read during the rally. In his message, Bello underscored major issues such as poverty, lack of basic social services from the government, lack of permanent and dissent jobs, food and environmental crisis, and corruption which contribute to the demise of human dignity in the Philippines. “Dignity is our battle cry in this campaign because this is what every Filipino needs,” Bello said. 

To cap off the activity, the representatives from different sectors together with Mr. Gonzago held and raised their hands to officially support and endorse PM as their official party list for this coming election. 

Lumad Electoral Consultation Successfully Held in Maguindanao

MindanaOne-Maguindanao Province Chapter held a successful Lumad Electoral Consultation last 17th of March 2016 at Tuladan Center, Sitio Kefengfeng, Upi, Maguindanao. It was attended by more than 50 clan and community leaders of Teduray and Lambangian tribes from all over Maguindanao province.

The consultation discussed the situation of the Lumads in the province and on how to engage the 2016 National and Local elections in the country for the benefit of the tribes and communities.

These are the following key agenda agreed during the consultation:
       1.  Full support to Delineation of the Ancestral Domains
    2.  Fulfillment of Indigenous Peoples’ Rights
a.       Recognition and Full Inclusion of IP Rights in all Peace Processes and Agreements between the government and revolutionary fronts;
b.      the implementation of the proposals of the Transitional Justice and Reconciliation Committee of the GPH-MILF Peace Talks;
c.       Implementation of Indigenous Peoples Rights Act in Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM);
d.      Implementation of Muslim Mindanao Act 241 (IP Rights Law in ARMM)
e.       Recognition of the Indigenous Peoples Structures and Organizations’ Key Role in electing Indigenous Peoples Mandatory Representative in Local Government Units;
    3.   Promotion of Ecological Justice and Care and standing against Development Aggressions;
  4. Justice for the Killings and Harassment of IP leaders and communities standing for rights and environment.
    5. Access to Social Services without discrimination.

The support to candidates in the local, regional and national posts in the May 2016 elections will be based on the above-mentioned agenda.

The consultation also resolved to support and campaign for Partido Manggagawa (PM) Partylist and independent Senatorial candidate Walden Bello after the deliberations and review of PM and Walden Bello’s track records.

“Both Partido Manggagawa and Walden Bello stood with us in bringing our assertions at the national level and their consistencies in standing for rights of every poor, women, workers, minority nationality member like us made us decide to campaign for them. We need them in the legislative struggles,” said Ludz Marcelino, a Teduray community leader.

“We are also supporting a member of our tribe aspiring for a seat in the Maguindanao Provincial Council representing the First District in the person of Santos Magay Unsad. We need a representative in the council but not exclusive only for the Lumads concerns but for all marginalized constituents of the province” Mr Marcelino added.

Teduray, Lambangian, Dulangan Manobo and other tribes inside and outside ARMM have been faced with multiple problems from their ancestral domain claims to human rights and environment. Common to Lumads or Indigenous People tribes is the connection of their existence to their Ancestral Lands and environment.

“We knew that, election is the arena of the well-connected and well-fueled candidates but we have to make our voices be known to all every time,” said Norena Suenan, the IP Committee head.

“Election remains popular and we can maximize election to push for IP rights” she added.

At the same time, the consultation appealed to all voters in the country to include their agenda and issues in making decisions in the coming May 2016 elections.

To note, Maguindanao IP electorates are to vote for the candidates for the regional posts of the Autonomous Region.





Biyernes, Marso 18, 2016

LABAN PARA SA BUHAY AT BAYANG MAY DIGNIDAD, PAG-IBAYUHIN - WALDEN BELLO


17 MARSO 2016
SA PAGLULUNSAD NG KAMPANYA NG MINDANAONE - LANAO DEL NORTE CHAPTER
MENSAHE MULA KAY WALDEN BELLO
Mainit na pagbati sa MindanaOne sa paglulunsad ng inyong kampanya ngayong eleksyon tungo sa makabuluhang pagbabago at ang pagtataguyod ng buhay na may dignidad para sa lahat.
Sinasalamin ng adyenda ng MindanaOne ang adhikain ng kampanya natin para sa Senado. Ang pagtakbo ko pong ito ay bahagi ng mas malawak na kilusan para ipaglaban ang buhay na may dignidad at ibangon ang dignidad ng bayan.
Sa kabila ng binabanderang kaunlaran, sadyang napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang lugmok sa kahirapan. Ang bilang ng mga mahihirap lalo na sa mga batayang sector ay nananatiling lubhang mataas- mahigit sa 20 porsyento ng mga kababaihan at manggagawa, mahigit sa 30 porsyento ng mga magsasaka, at halos 50% ng mga mangingisdang Pilipino ay mahihirap. Ang sitwasyon ay lalong malala sa maraming bahagi ng Mindanao lalo na sa ARMM areas, kung saan ang mga batayang sector ay humaharap sa mas matinding kahirapan na pinalalala ng kawalan ng serbisyong panlipunan at suporta mula sa Pamahalaan. Ang nararanasang krisis sa pagkain ngayon sa Maguindanao, dulot ng El Nino, ay manipestasyon ng lumalalang sitwasyon sa Mindanao. Ito ay isang napakatinding krisis na naghinitay ng kagyat na lunas ngunit tila walang malinaw at agarang tugon ang pamahalaan.
Ang kawalan ng dignidad sa ating bansa, ang isa sa pangunahing dahilan ng aking pagsabak muli sa pulitika. Matatandaan nyo pong ako ay bumitiw bilang kinatawan sa Kongreso noong nakaraang taon dahil hindi ko na kayang suportahan ang ‘double standard’ ni Aquino, sa pagusig ng kanyang mga kaaway sa isyu ng korpusyon, habang ikinakanlong ang kanyang kaibigan at kapanalig na simbulok rin naman. Nagbitiw din po ako dahil hindi ko nagustuhan ang naging tindig ng Pangulo sa trahedyang nangyari sa Mamasapano, kung saan maraming buhay ang nakitil, at ang inaasam-asam na kapayaan sa Mindanao ay tuluyang nasakripisyo.
Dignidad din ang sigaw n gating kampanya dahil ito ang hangad ng bawat Pilipino. Para sa nakararami ang buhay na may dignidad ay: sariling lupang masasaka, sapat na pagkain, permanente at disenteng trabaho at hanap-buhay, edukasyon, kalusugan, at respeto sa karapatang pantao.
Hangad din ng bawa’t Pilipino na ibangon ang dignidad ng ating Bayan. Hindi dapat tayo maging tau-tauhan sa labanan ng mga dambuhalang mga bansa gaya ng China at US. Dapat din mangibabaw ang interes ng mga mamamayan sa interes ng mga malalaking korporasyon.
Ang karanasan ko bilang isang aktibista, propesor, at mambabatas ang nagpalakas ng paninidigan ko para isulong at ipagpatuloy ang laban sa Senado para sa buhay at bayang may dignidad.
Gaya ninyo sa MindanaOne, at gaya ng maraming mga kababayan natin na sawa-sawa na sa pulitikang TRAPO, ang kampanya nating ito ay laban din sa luma at bulok na pulitika na punot dulo ng isang pamamahalang walang dignidad.
Magkaisa po sana tayong lahat para pag-ibayuhin, lalo na sa eleksyong 2016, ang laban natin para sa buhay at bayang may dignidad.
Maraming Salamat po.

MindanaOne SUPPORTS Partido Manggagawa Party-List



MindanaOne supports Partido Manggagawa Partylist bid for Party-List representation in the Lower House of the Philippine Congress in the coming May 2016 National and Local Elections.

MindanaOne as a political movement of the marginalized sectors from the tri-people communities in Mindanao have known Partido Manggagawa in its advocacy for the rights and welfare of the poor and the working people.

Kalikasan ay Buhay! Buhay ay Karapatan! - MindanaOne

Panawagan ng MindanaOne sa Usaping Kalikasan nitong Halalang 2016

Noong nakaraang Disyembre 2015, nagkasundo ang mga bansa na sagipin ang mundo laban sa pagkawasak at pagkagunaw sa panahon ng Conference of Parties on Climate Change (COP21) sa Paris, France.

Magandang balita at pag-unlad ito sa pakikibakang pangkalikasan. Subalit, puno ito ng maraming subalit!

Sa ilalim ng kapitalistang paghahari, ang pagsagip sa mundo ay hindi upang makatotohanang sagipin ang sangkatauhan kundi ang mas pakaingatan at patatagin ang Imperyalista at Kapitalistang paghahari. Hindi upang sagipin ang mundo, kundi sagipin ang kanilang paghahari – ang Kapitalismo.

Sa kabilang banda ay tagumpay na din ito kahit papano para sa mga kilusang panlipunan at mas hamon ang ating tuluyang papanagutin ang mga mayoriyang kontribyutor sa carbon emission at pagpapahamak sa kalikasan.

Sa kasunduan (COP21 Agrrement) ay binanggit ang karapatang pantao at karapatan ng mga Katutubo subalit sa preambolo lamang at wala nang detalye pang kasunod.

Dagdag pa ay ang hindi malinaw na sukatan kung hanggang kalian ang transisyon ng mga bansa at interes na tuluyang itakwil na ang mga proyektong lason sa kalikasan.

Ang COP21 na kasunduan ay kapanalunan ng mga mayayamang bansa, korporasyon at sistemang kapitalismo sa kabuuhan.

Ang Pilipinas at ang Kapitalistang Paghahari

Taas noo at abot taenga ang ngiting ipinagmayabang ng pamahalaang Pilipinas sa pamamagitan ng Pangulo nito na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ang pagpirma, pagsang-ayon at pangunguna para sa katarungang pangklima at pagpapatupad ng napagkasunduan.

Buhay na ebidensya ang magkatunggaling pahayag at kilos ni NoyNoy Aquino III ukol sa usaping kalikasan.

Matapos ang kanyang pinuring pahayag sa kampanya para sa kalikasan ay pinasayaan nito ang pagbubukas ng 300MW Coal-fired power plant sa Davao; inaproba ang hindi bababa sa 45 na proyektong coal; hinayaan ang pagpapatuloy ng pagmimina sa buong bansa; at marami pa.

Ang pamumuno ng Koalisyong Pamahalaan sa pangunguna ng Liberal Party ni NoyNoy Aquino III ay hayagang pumapabor sa kapitalistang interes. Sa gitna ng mga matitinding kalamidad na dinanas ng mga mamamayan mula taong 2010 hanggang sa kasalukuyan ay walang aksyong makabuluhan at kongkreto ang pamahalaan upang harapin at paghandaan ang mga banta ng kalikasan maliban sa reaksyonaryong tugon sa pamamagitan na pagtaas sa pundo ng mga paghahanda sa pamumuno ng pambansa at local na mekanismo laban sa kalamidad. Walang aksyon upang itigil at kanselahin ang mga operasyon ng malawakang pagmimina at proyektong coal.

Sikat dito ang tugon ni NoyNoy Aquino III sa panawagang pagsusulong ng Renewable Energy – “Paano kung walang araw? Paano kung walang hangin?”

Ang departamentong pangkalikasan at departamentong pang.enerhiya ay tuloy pa rin sap ag-aproba sa mga aplikasyon ng mga pamumuhunan at operasyong mina, coal, plantasyon.

Ang karanasan ng mga mamamayan sa Agusan, Surigao, Zamboanga, Misamis Occidental, Antique, Tawi-Tawi, Lanao del Norte, Iligan City, Misamis Oriental, Bataan, Mindoro, Palawan, Cordillera, Compostela Valley at marami pa laban sa mina, plantasyon, coal projects – ay maliwanag na kakampi ng mga kapitalista ang pamahalaan. Maaring hindi lang ang NoyNoy Aquino III na pamunuan ang may dulot nito dahil polisiya na ito ng pamahalaan noon pa man, subalit walang hakbang ang pamunuan ni Aquino III upang tuldukan ito at patotohanan ang yabang nitong “Tuwid na Daan at Ingkulsibong Kaunlaran”.

At patuloy na gamit ng pamahalaang pambansa at local ang mabangis nitong armas (military, polisya at batas) upang i-nyutraisa at patahimikin ang mga sumasalungat sa balangkas at kagustuhan ng mga kapitalista at pamahalaan. 

Bugaw na NoyNoy Aquino administration

Tagapagpatupad pa rin ng neo-liberal na balangkas ang pamahalaang Koalisyon ni Aquino III.

Inilalayo ng pamahalaang ito sa mata ng taumbayan ang katotohanang ito sa pammagitan ng panunuhol sa pamamagitan ng bilyones na Pantawid ng Pamilyang Pilipino (4Ps) at Bottoms-Up Budgeting (BUB). At kahit ang utang na National Greening Program ay pagsang-ayon lamang sa interes ng mga Korporasyon, dayuhang bansa at bangko hindi pa upang sagipin ang sangnilikha.

Ang pangkaunlarang balangkas sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front ay maganda kung basahin ang teksto – “Sustainable Development” ay katulad din ng mga pahayag ni Aquino at pamahalaan.

Sa kabilang banda, habang abala ang lahat sa debate kung suportahan nang buo o marapat na igiit ang iba pang lehitimong interes sa batas Bangsamoro ay puspusan at malaya nang pumapasok sa mga komunidad ang mga pamumuhunan para sa plantasyon, pagmimina hanggang sa kadulu-duluhang lupaing ninuno ng mga Katutubo. Ipinarating at iginiit ang pagsalungat ng mga Katutubo at kilusang panlipunan sa kahit saang mga lehitimong mekanismo ng pamahalaan at usapang pangkapayapaan ngunit mas lalo pang lumalakas ang loob ng mga politico at negosyanteng interes – kilalang alyado at kapanalig ng pamahalaang koalisyon ni Aquino III tulad na lang halimbawa sa Tawi-Tawi at Maguindanao (Autonomous Region for Muslim Mindanao).

Kalikasan Naman

Ilang hagupit ng kalamidad na rin ang naranasan ng mga mamamayan sa Pilipinas at patindi na nang patindi ang epekto ng mga ito – mula sa bagyo, baha, mahabang tagtuyot, kakulangan ng supply sa pagkain at tubig, landslides, lindol hanggang sa pagputok ng bulkan.

Ang pinakahuling bagyong Yolanda (taong 2013) na isang buwan lang ang pagitan ng isang malakas na lindol sa gitnang bahagi ng Pilipinas ay sadyang di sumagi man lang sa isipan ng mga siyentista na may ganoon katinding epekto. At kombinsido ang lahat na ang mga ito ay epekto ng patindi at patinding pagkawasak ng kalikasan at mundo.

Malawak sa mga maralita, manggagawa, kababaehan, matatanda, katutubo at karaniwang mamayan ang direktang tinamaan nang mga nasabing trahedya na libu-libo pa rin ang hindi natagpuang nilamon ng lupa, putik at baha. At ang tanging tugon uli ng pamahalaan ay ang magturuan at sisihin ang bagyo at panahon sa dulot ng mga trahedya.

Kalikasan: Pampolitika at Elektoral na Adyenda

Ang usaping kalikasan ay mahalaga sa sangkatauhan. Mas buhay nating nakikita ang relasyon ng kalikasan sa tao sa buhay ng mga Katutubo, magsasaka at mangingisda.

Para sa mga Katutubo, ang kalikasan ay buhay. Sa mga magsasaka at mangingisda naman ay ganoon din. Sa buong sangkatauhan, maliwanag na ito ay buhay din – ang tubig, hangin, pagkain, lupa, hayop, bulaklak at iba pa.

Sa araw-araw nating paggalaw sa mundong ibabaw, binubuhay tayo ng kalikasan. Hindi natin pwedeng sabihin na walang kaugnayan ang tao sa kalikasan.

Nitong panahon ng pambansa at local na halalan sa Pilipinas, mahalagang adyendang isusulong ng mga mamamayan ang Kalikasan.

Ang mga mamamayan sa Iligan City, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental at Oriental at kahit iilang ang mga taga-Zamboanga del Sur ay inuugnay ng Paguil at Iligan Bays. Parehong nanganganib ang dalawang karagatang ito sa pagtatayo ng 300MW sa Ozamis City, 540MW sa Kauswagan, Lanao del Norte at 20MW sa Iligan City. Nauna nang nawalan ng lupang tinitirhan ang hindi bababa sa 300 na pamilya sa Kauswagan, LDN at hinati ang komunidad sa pabor at kontra-coal-fired power plant. Nalagay sa panganib ang matagal nang panahong isinusulong at pinangangalagaan ng mga maliliit na mangingisdang “fish sanctuaries”.

Ang mga mamamayan sa Agusan, Surigao, Compostela Valley at Davao Region ay patuloy na ginugulo at winawasak ng mga proyektong mina – paglikas, pamamaslang at kahirapan.

Ang mga mamamayang Moro at Lumad sa Maguindanao, North Cotabato, Bukidnon at Sarangani na mga probinsya ay araw-araw na hinahamon ng kapitalistang interes kakuntsaba ang mga pulitiko sa lokalidad.

Iilan lamang ang mga kongkretong karanasang ito sa mga buhay na hamon laban sa pambubugaw ng pamahalaan sa mga kayamanang mayron ang ating mga komunidad.

Nitong panahon ng halalan, mahalagang iangat ang debate sa usaping kalikasan at kaugnayan nito sa buhay ng bawat mamamayan at komunidad. Gawin nating adyenda sa pakikipag-usap at pagsuporta ng mga ihahalal sa local at pambansang posisyon at bilang mga organisadong pwersa, ito ang ating lakas. Dahil unang-una, buhay natin at ng ating mga salinlahi ang nakasalalay dito.

Sa prosesong ito (eleksyon), hindi tayo simpleng taga-boto, taga-suporta at tagasunod lang kundi mahalaga ang ating pasya at mga kongkretong hakbang.

Maliban sa paggamit sa halalan upang ihayag ang kapitalistang kabulukan sa pagtrato sa kalikasan ay pagkakataon din nating palakasin ang diskurso lampas sa panwagan lang para sa:
  1. Pagsagip sa Lupaing Ninuno, Lupaing Agrikultura, Karagatan at Mamamayan laban sa Marumi at Nakakasirang Proyektong Pangkaunlaran tulad ng Coal, Mina at Plantasyon;
  2. Pag-abante sa Karapatan sa mga Batayang Serbisyo para sa Karaniwang Mamamayan;
  3. Isulong ang Karapatan at Kapakanan ng mga Biktima ng Pangklimang mga trahedya;
  4. Pagsulong ng mga Panukala para sa Maka-kalikasan at Sustenableng Programang Pang-ekonomiya;
  5. Pagtakwil sa Komersyalistang Ekonomiya sa ating mga Komunidad;
  6. Pagpapalakas sa ating Kilusang Katarungang Pangklima at mga Kilusang Masa;
  7. Gawing integral sa ating mga pakikibaka sa lahat ng panahon at pagkakataon ang pakikibakang pangkalikasan lampas sa nakatali sa pundong mga programa.

Boto ay Karapatan! Kalikasan ay Karapatan! Boto para sa Kalikasan!

MindanaOne
Pebrero 28, 2016


MindanaOne: Iabante ang Demokratikong Karapatan at Kapakanan ng mga Mamamayan

MindanaOne - Lanao del Norte delegates
Pebrero 6, 2016

Matagumpay na naitatag ang isang pampulitikang kilusan ng mga sektor sa Mindanao.


Dinaluhan ito ng mga representante mula sa iba't-ibang sektor ng mamamayang Bangsamoro, Lumad at Migrante ng Mindanao.


Ang MindanaOne ay isang pampolitikang organisasyon/koalisyon/alyansa ng mga organisasyon at indibidwal mula sa mga komunidad ng tatlong Mamamayang Moro, Lumad at Migrante ng Mindanao. Ito ay pagkakabuklod ng mga naisantabing seksyon ng lipunan upang mas aktibong igiit ang kani-kanilang mga karapatan at isulong ang kapakanan ng mga sector. Pormasyon ito upang iabante ang mga demokratikong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan at komunidad.

Sa gitna ng kasalukuyang pangingibabaw ng elitista at kapitalistang kaisipan at sistema ay nais ng mga nasiantabing seksyon ng lipunang igiit ang kani-kanilang mga karapatan at kapakanan na nagkakaisa.

Naniniwala ang MindanaOne na:

Ka Rene Magtubo, unang nominee ng Partido Manggagawa
Ang Mindanao ay pinaninirahan ng tatlong Mamamayan (Bangsamoro, Lumad at Migrante ng Mindanao) na may kani-kanilang mga karapatan sa Sariling Pagpapasya;

Ang pundasyon ng isang demokratikong lipunan ang makatotohanang partisipasyon ng mga komunidad at sector ng lipunan sa anumang usaping panlipunan;

Ang tunay na Kaunlaran at Kapayapaan ay nakaugat sa pagsakatuparan sa mga demokratikong karapatan ng bawat mamamayan;

Ang Agrikultura at Kalikasan ay mga usaping hindi pwedeng ihiwalay sa anumang mga panlipunang pagdedesisyon;

Ka Jun Gonzaga, ikalawang nominee ng Partido Manggagawa
Na magkaugnay ang mga usaping kinakaharap ng bawat sector at mamamayan at nararapat lamang na magkaugnay din itong harapin at tugunan;


Mahalagang lahukan ang larangang electoral upang maisulong ang mga usaping panlipunan na maiibsan ang mga pasaning mayron ang mga mamamayan at sector at maiangat pa sa mas Malaki at makabuluhang mga tagumpay;

Naihalal ang pambansang pamunuan ng kilusan at ang konseho nito.

Sa nasabing pagtitipon din pormal na idineklara ng MindanaOne ang pagsuporta nito sa Partido Manggagwa Partylist sa halalan nitong Mayo 9, 2016.

Dinaluhan din ng una at ikalawang nominees ng Partido Manggagawa Partylist sa katauhan nina Ka Rene Magtubo at Ka Jun Gonzaga.


MindanaOne - Maguindanao delegates

MindanaOne - Agusan-Surigao delegates

MindanaOne - Lanao del Sur delegates

MindanaOne-North Cotabato delegates

MindanaOne - Sultan Kudarat delegates

MindanaOne - Iligan City delegates

MindanaOne - Zamboanga-Misamis Occidental delegates

MindanaOne - Visayas and Camiguin delegates