Linggo, Pebrero 3, 2019

(Parangal) Hanggang sa muli aming Kasamang Jo Demit - MindanaOne

Di magmamaliw ang iyong ala-ala at ang ating mga adhika. Di ka malilimot.

PAALAM SA NGAYON!

Si Kasamang Jo ay isang lider at aktibistang namulat sa kilusang masa. Hanggang sa naging isang tagapanguna sa kilusang kababaihan at iba pang kilusang panlipunan s Mindanao.

Ang kanyang adhika para sa isang makatarungang lipunan ay mas nagdala pa sa kanya na makisama at makibaka para sa karapatan sa lupaing ninuno at sariling pagpapasya ng mga Lumad at Bangsamoro, para sa Kalikasan laban sa mina at iba pang mapangwasak na proyekto sa pangalan ng kunwang kaunlaran, karapatang pantao at hustisya.

Siya ay matapang na tanggol ng mga maliliit at inaapi. Tagasulong ng interes ng kababaihan at mamamayan saan mang larangan kahit sa mga mekanismong pampamahalaan.

Hindi napapatiklop ng pagbabanta at anumang kahirapan sa pagpapatupad ng tungkulin.

Isa rin siyang masayahin at maalalahaning kasama at mapagmahal na ina, kapatid at anak.

Ngunit sa maagang edad ay hinila sya ng kamatayan sa kanyang huling hantungan. Ang kahirapan at kawalan ng sapat na pasilidad pangkalusugan sa bansa ay mas lalong nagpadali sa kanyang pagkawala. (Enero 26, 2019).

Ipinapaabot din namin ang aming pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kaibigan at kasama.

Tuloy ang Laban KASAMANG JO!
PAALAM NA MUNA SA NGAYON!
HANGGANG SA MULING PAGKIKITA!

January 26, 2019

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento