Bilang kababaihan at stakeholders ng kapayapaan, kami ay kumikilala sa lehitimong karapatan sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro at marapat lamang na ito ay suportahan. Samantala, kaakibat dito ay ang pagsulong ng aming lehitimong karapatan din sa aming sariling pagpapasya bilang mamamayang Non-Moro Indigenous People.
Nais naming bigyan ng dagdag na kaliwanagan ang posisyong pagsuporta na ito ayon din sa mga nakasaad sa Bangsamoro Organic Law (RA 11054) at sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA o RA 8371) para sa mga Karapatan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples sa loob ng itatayong Bangsamoro Political Entity (Bangsamoro).
Kami rin ay nanawagan -
• Kilalanin, irespeto at tiyakin ang karapatan ng mga katutubong kababaihang Teduray at Lambangian at lahat ng kababaihan sa loob ng Bangsamoro;
• Kilalanin, igalang at tiyakin ang mga karapatan ng katutubo o Non-Moro IPs sa kanilang Lupaing Ninuno (Fusaka Inged). Hindi sapat na ang kultura at tradisyon lamang ang kikilalanin kung walang Lupaing Ninuno dahil ito ay karugtong ng aming buhay bilang mga kababaihang Non Moro Indigenous Peoples;
• Sa kasalukuyang RA 9054 o ARMM ay hindi kinikilala at hindi tiniyak na maisakatuparan ang RA 8371 o IPRA na siyang dapat batayan sa pagkilala, pagprotekta at pagtaguyod sa karapatan ng mga katutubo sa Ancestral Domain, Self-Governance and Empowerment, Social Justice and Human Rights at Cultural Integrity. Dahil dito gusto namin na maipatupad ang IPRA at lahat ng IP Provisions ukol sa karapatan at kapakanan ng Non-Moro Indigenous Peoples na nakasaad na rin sa kasalukuyang BOL na isasalang sa plebisito.
• May reserved seats para sa kababaihan- hiwalay para sa Non Moro Indigenous Peoples Women Sectoral at para rin sa Traditional Women leaders.
• Magkaron ng malinaw, inklusibo at participatory na mekanismo at guidelines sa selection process ng mga representante.
Ang posisyong ito ay pinagtibay sa Umah Development Foundation, Incorporated, Cotabato, noong ika-walo (8) ng Enero 2019, bilang resulta ng pagtitipon ng mga Katutubong Kababaihang Teduray at Lambangian.
Nilagdaan ngayong ika- 11 ng Enero 2019.
NORENA SUENAN.
Tunggu Inged Fintailan
For more information, please contact:
Jenevieve Cornelio
Committee on Peace and Human Rights/Inged Fintaylan
Tel no: 09566414905

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento